Tuesday, February 01, 2005

Some Kinda Like Lowlah Imelda

With the shoe matter that is!!! hahaha!ÜÜÜ

Here are pics of my hanging shoe racks.... each can contain 30 pairs of shoes... supah-dupah space-savah di ba... (nag-promote pa si gaga!!Ü)



Let's count then...
1. blue rack = 30 pairs (yep, full!) plus 2 slip-ons on the bag pointed by the red arrow
2. white rack = 11 pairs of slip-ons plus 5 & 2 in the shoe drawers pointed again by the the same-colored arrows

GO! Compute! Compute! 30 + 2 + 11 + 5 + 2 + a pair of soccer shoes hidden somewhere in my room... uhmmm... uhmmm... FIFTY-ONE (51) FRIGGIN' PAIRS!!!ÜÜ whoa! ganun pala kadami shoes ko! bwahahaha!!!!ÜÜÜ i never realized they were that many... Oh, who cares! I'm still buying more!!! ADIK! ADIK! ADIK!

Read the article below... this was sent to me by Maylene with the following note: Bagay yata kay ardwi ito!!! haha!!! kasi puro SHOES! How accurate can someone get, dabbah?!?! hahahah!ÜÜÜ


Which shoe fits?

1. The overused shoes

When I went to Davao for Christmas vacation in 2001, I found what I think was the best shoes I've ever had. It was a blue and white slip-ons with a flower on its strap. Margay ang tatak niya. Ang tagal ko na naghahanap ng blue na kikay slip-ons at doon ko lang sa Gaisano Davao nahanap iyun. And I bought the shoes for 500 lang! Feeling ko pa, suwerte ako dahil last pair na iyun. And it was my size!

Sobrang natuwa ako sa kikay kong sapatos. At napakalambot niya! I wore the shoes everyday because they would match anything... denim, slacks, capripants, skirt, dress. Gamit ko siya in the office, at the mall, in church, even at the beach!

Dahil araw-araw ko siyang nagamit, at nasuot ko na siya sa kung saan, it was expected na wala pang isang taon ay sira na siya. Sabi ko, okay lang. May Margay naman sa Robinsons saka sa Landmark, siguro naman may ganoong style pa sila. Ngunit napuntahan ko na lahat ng display ng Margay pero wala akong nakitang katulad nang nabili ko sa Davao. Nakadalawang uwi na ako sa Davao at pumupunta ako sa Gaisano, umaasang may makikita akong ganoong klaseng sapatos. Hindi na nga ako naghahangad ng eksaktong ganoon eh. Kahit na kamukha lang o kasing-lambot lang, okay na. Kaso wala.

Iyong kikay blue Margay na slip-ons ko -- na malambot at may naka-angat na bulaklak sa strap, na bagay sa kahit anong damit ko -- ay sira na ngayon. Hindi lang siya sira, nangingitim na sa dumi, at hindi na kayang i-glue ang punit na talampakan. Pero hindi ko pa siya maitapon-tapon. Hindi ko alam kung bakit. Alam ko hindi ko na siya maisusuot uli, pero may reminder naman ako na once upon a time, I had a perfect pair of shoes. Hindi ko nga lang inalagaan.

Lesson learned: Kapag nahanap mo na ang bagay o tao na sa tingin mo ay perfect na para saiyo, ingatan at alagaan mo. Huwag mong abusuhin. Kapag nawala sila, baka wala ka nang mahahanap pang kapalit. At habambuhay mo na lang iisipin na"sana, inalaagaan ko siya."

2. The "maganda siya pero masakit" shoes

May fini-fit ako noon na sapatos sa Celine. Okay lang ang presyo. Maganda ang material. Kikay ang hitsura. At kapag suot ko, nakaka-sexy ng paa. May isang problema nga lang... masakit sa paa.

Pero cutie kasi siya eh. Saka on sale. At sadyang matigas ang ulo ko. Kaya ayun, binili ko.

Sa umpisa, okay lang naman. Keri ko. Saka masakit naman talaga sa paa ang bagong sapatos. Pero habang lumilipas ang oras, lalong sumasakit. Hindi siya meant sa pangmatagalang suot. Habang suot ko siya, parang gusto kong umiyak sa tuwing humahakbang ako. Pagdating ko ng bahay, puro sugat at galos ang paa ko. At ilang linggo din akong may peklat sa paa dahil sa diyaskeng sapatos na iyun.

Kapag sa umpisa pa lang, alam mo na masakit na sa paa at hindi mo puwedeng suotin ng matagalan, huwag mo nang bilhin. Bakit mo pa itutuloy kung alam mong masasaktan ka lamang kapag sinuot mo?

Parang pakikipag-relasyon din iyan eh. May mga lalake na good on paper, bagay sa iyo, tipo mo nga eh. Ang kaso, panandalian lang siya. "Boylet" lang, kasi unavailable siya. Bakit mo pa itutuloy kong alam mong eventually ay masasaktan ka lang? Sana, habang maaga pa, iwasan mo na.

Lesson learned: Kung sa umpisa pa lang, alam mo na masasaktan ka lamang sa bandang huli, huwag mo nang ituloy. Baka mag-iwan pa iyan ng scar na hindi mo na maaaalis kailanman.

3. The shoes that got away

May nakita akong magandang sandals sa Landmark. Mura lang, less than 500 lang siguro. Kakaiba din siya kasi hindi siya iyong style na makikita mo sa babaeng katabi mo sa MRT. Black and white siya. Polka dots ang strap niya pero hindi cheap ang dating. Ang kikay nga eh. tapos, two inches iyong heels niya. Sinukat ko minsan, ang ganda sa paa!

Kaya lang, hindi ko siya binili. Kasi, kakaiba siya eh. Mahirap hanapan ng ka-match na damit at bag. Saka kakabili ko lang kasi ng isang sandals kaya sabi ko, next pay day ko na lang bibilhin ang polka dots na sapatos na yun.

Madalas akong dumaan sa Landmark at nakikita ko ang sapatos na gusto kong bilhin pero hindi ko mabili-bili. Ilang pay day na ang dumaan pero hindi ko pa rin siya kinukuha para iuwi. Hanggang sa dumating ang oras na kailangan ko ng isang kikay na sandals na may print. Naisip ko agad ang polka-dots na matagal ko na gusto bilihin. Pero pag-punta ko sa Landmark, wala na siya doon. Naubos na. Ang ending, napabili ako ng ibang printed na sapatos na hindi ko naman talaga gusto pero wala akong choice kasi kailangan ko na nga.

Lesson learned: Kung magpapaligaya sa atin ang isang bagay, seize the day! Sa kaka-delay, baka mawala lang sa atin ito at mauuwi tayong nagse-settle sa hindi naman talaga natin gusto. Mas mahirap pagsisihan ang mga bagay na hindi mo ginawa. Wala na yatang mas masakit pa sa thought na abot-kamay mo na lang, pero pinalampas mo pa.

Sino ba naman mag-aakalang may mapupulot pala akong mga leksyon sa mga sapatos? Kaya nga panay ang bili ko eh, para mas marami pa akong matutunan. Sa susunod, I will find lessons from bags naman para ma-justify din kung bakit sandamakmak ang bags ko.

uhmmm... aabangan ko yang tungkol sa bags! hahahaha!ÜÜÜ


P.S. Thanks again to Maylene for the email.ÜÜÜ

P.S.2
Copy-pasted this from my
comments: FIFTY-THREE pala lahat-lahat!!! hahaha!Ü This morning (Feb 2) ko lang naisip na may black lace-up sandals ako na wala sa pic kasi hindi sya kasya sa rack dahil sa taas ng takong... and may isa pa akong pair ng red rubber shoes na nasa room nila mommy... hahaha! FIFTY-THREE! FIFTY-THREE! and counting... and counting... hahahahaha!!!!ÜÜÜ

6 Comments:

Anonymous Anonymous said...

FROM Logan Chiam (YM): san mo nabili shoe rack mo.. di ka na pala abante.. metro magazine na ang lola!

Tuesday, February 01, 2005 1:03:00 PM  
Anonymous Anonymous said...

FROM MC Laquindanum (YM):

Wagi ang blog!! :D ang cool ng lahat about sa sapatos! wahah! astig talaga!

Tuesday, February 01, 2005 2:15:00 PM  
Anonymous Anonymous said...

FROM Mark Santos (YM):
100% PERFECTION ++MADAME IMELDA++ nyway, madame imelda, meldita ka tlga!!!

Tuesday, February 01, 2005 3:25:00 PM  
Anonymous Anonymous said...

FROM Mark Rommel Santos (YM):
grabe... may mahigit 4 na dosenang salumpaa...!!!!lupheettt....

Tuesday, February 01, 2005 4:04:00 PM  
Blogger REICH DE VERA said...

FIFTY-THREE pala lahat-lahat!!! hahaha! this morning ko lang naisip na may lace-up sandals ako na wala sa pic kasi hindi sya kasya sa rack dahil sa taas ng takong... and may isa pa akong pair ng rubber shoes na nasa room nila mommy... hahaha! FIFTY-THREE! FIFTY-THREE! and counting... and counting... hahahahaha!!!! :D

Wednesday, February 02, 2005 7:10:00 AM  
Anonymous Anonymous said...

FROM Anna Elisa Yap (YM):
mukhang maganda yun slip on mo na blue and wyte kaso wala naman pic... yung sa margay... hehehe

Wednesday, February 02, 2005 9:42:00 AM  

Post a Comment

<< Home