Thursday, March 31, 2005

I'll Truly Miss You, Kuya

huhuhuhu... crayola muna ako...

sobrang sad kasi talaga ako... my Kuya's now gone... gone to another Parish... sabi nya wag akong malungkot... sabi nya wag akong umiyak... pero di naman pwede yun eh... kahit magkikita pa rin kame... hindi na kame magkikita nang madalas... which is truly sad for me kasi nasanay akong parati syang nandyan... pag kailangan ko nang kausap, andyan... pag kailangan ko ng gimik, andyan... pag kailangan ko ng katawanan, andyan... pag kailangan ko ng kalaro ng volleyball, andyan... hindi na sya isang tricycle away... huhuhuhu...

Image hosted by Photobucket.com
Pictures taken during my Kuya Chris's despedida...

KUYA, I WILL TRULY MISS YOU.... wag mo ko ever kakalimutan ha... mwah! labs kita sobra!ÜÜÜ

Sige, iisipin ko na hindi 'to goodbye... na it's just merely a see-you-later...

pina-iyak mo talaga ako, promise... buti na lang pala pinigil ko luha ko nung nag-mass ka sa new parish mo... dahil kundi pati ikaw iiyak! waaaa!!! babaha dun... wala pa man din tayong dalang mga timba...

Basta, kahit kelan, daan-daan ka lang ha... totoo yung sinabi ko... KAPAMILYA KA FOREVER...

anubaituw, umiiyak ako habang gingawa ko 'tong blog entry... booohooohooo... waaaaaa!!!!


PS 1. Para dun sa mga di maka-recall kung sino sya... siya si Fr. Chris, yung kuya kong pari... tara, damayan nyo ako sa pag-iyak...

PS 2. Fr. Chris, wag kang iiyak pag nabasa mo 'to ha?Ü iloveyou kuya!Ü PROMISE!Ü

Holy Week Ba 'To?

For choir girls like me, rachada 'tong week na to... sumamasabay kame sa paghihirap, pagkamatay at pagkabuhay ni Kristo... PROMISE!!! hahaha!!!

pero naman... kahit Holy Week 'to... mega-picturan ever pa rin... at least may libangan...ÜÜÜ

Holy Wednesday

Image hosted by Photobucket.com
taken after the rehearsal.... cute ng necklace ko di ba?Ü (ay! hindi pala kita buo! hahaha!ÜÜÜ)


Holy Thursday

Image hosted by Photobucket.com
Kahit mainit, sige, nag-itim kaming pareho ni espren ko... cute yung shirt ko in fairview! Inseperable... oo nga naman, mag-bestfriends for life to noh!


Good Friday

Image hosted by Photobucket.com
Kahit pagod-pagod na at laylay na ang dila sa kakakanta, hala! nakapagpa-picture pa... Marlone came to visit kaya mega-kodak evah!Ü


Black Saturday (Easter Vigil)

Image hosted by Photobucket.com
O, say nyo?!?!?! Cathedral Chorus 'to! Hanapin nyo nga ako? Susme, ako yung mega-kumikinang sa kanan noh!!! As Kiko Versoza put it, pang-Famas ang attire... kurach and keber!Ü sa gusto ko maging arowanang pink eh... hahaha!!!ÜÜ


Easter Sunday

Image hosted by Photobucket.com
Taken when I went home from the Salubong... wala pang tulog yan ha...


Image hosted by Photobucket.com

Break after the afternoon rehearsal... halatang mga high na dahil sa kulang sa tulog... hahaha!Ü


O di ba... ganyan talaga kapag slave-driven ka... kailangan merong mahanap na ibang pagkakabuhusan ng sane amount of insanity para di ka mabaliw at ma-stroke... hahaha!ÜÜÜ

Basta, kahit pagod... WORTH IT!ÜÜÜ

PS. In fairview, ARAW-ARAW ko siyang nakikita... Oo, SYA, SYA, SYA!!! haleur?!?!!? Sino pa ba diba?ÜÜÜ

Sino Kaya Half-Angel Ko?

Si Cherry, may bago na naman eh... huhuhu.... it made me wonder (and wish) who my half-angel is...

Image hosted by Photobucket.com

haaaaay.... eto na naman ako.... Kuya Ian, feel free na murahin ako... hahaha!!! tao lang naman ako eh... tao lang na may minamahal... CHOS!!!! ULOL! 'TADO pala ako eh! hahahaha!!!!

gusto ko lang i-share yung ka-dramahan namin ni Cherry kaya ko pinost to... hahahaha!!!Ü

tawa na lang ulit tayo!!!!ÜÜÜ

Tuesday, March 22, 2005

Cathedral Beauties

Last Saturday, 19 March 2005, we sang sa wedding ng brother ni Manny Veluz, a former DC member... the rite was celebrated in Nuestra Señora de Gracia Church in Guadalupe Viejo... it's somewhat near the Loyola Chapels and the Guadalupe Seminary...

It's an old church... as in yung parang nakikita nyo sa Ilocos, La Union, Bulacan... basta pang-probinsya yung dating and yung parang panahon pa ni Mahoma itinayo... wekekeke! pero in fairview, maganda yung church ha!Ü maliit nga lang... pero deadma! maganda pa rin... pang haunted house nga kalaki yung mga chandeliers eh... na sa sobrang laki kapag ipinasok yun sa bahay namin eh sayad yung electric fan sa floor kaya magiging foot-cooler na lang yung fan... hahahaha!!!! sabi nga ni kuya ian, kapag nilagay yun sa mga bahay-bahay namin, ikaw pa ang mag-e-excuse me sa chandelier para makadaan ka! hahahahaha!!!!! wagi yon, wagi!!!ÜÜÜ fedex yon, fedex!

Here, tingnan nyo, the altar looks like this...

Image hosted by Photobucket.com




At pagkatapos namin gibain yung simbahan sa lakas ng kanta namin... at habang nagpipicture-picture yung ibang mga tao with the groom and bride sa labas nung church... kame deadma!! picturan ever din kame syempre! eh mga adik-adik tong mga mongoloid na to sa kodakan...

Image hosted by Photobucket.com


o di ba... parang mga promdi... hahahaha!!!! in fairview, cute yung picture, aminin nyo! pang-Aawitan Kita... hahahaha!!!!


o mejo semana santa na at magbabakasyon na rin kame... bahala na si Batman kung makapag-update pa ko ng blog this week... hahaha! kuracha ever na naman si lola nyo eh.... hahaha! malamang yung iba dyan kita-kits na lang tayo sa church... at yung iba eh kita-kita kung kelan na lang... ingat kayong lahat...

Have a blessed Holy Week, everyone.(*Ü*)

Tuesday, March 15, 2005

A Heart For God

a post intended for publishing yesterday... but time and chance did not permit so today na lang...

hay dahil in a sinementimenal mood na naman ako at nagmumuni-muni, i looked at what's in store for me today sa aking dear calendar of inspiring words A Heart for God... at the back cover, it says, Do you long to live as Jesus did, finding serenity in the midst of life's storms? The secret, Elizabeth (the author) says, is to have a heart for God, to obey His will in every cirsumstance... haaaaaaay, kalalim naman nun!!! anobaituw???? hinga ka na nga lang ng malalim, mother.... whooooooosaaaaa....

Look... here's what's written for March 14:
God does many things which we do not understand. Of course He does -- He is God, perfect in wisdom, love and power. We are only children, very far from perfect in anything. A true faith must rest solidly on His character and His word, not on our particular conceptions of what He ought to do.

How super timely can it be na ito na nakasulat dun... truly, God makes us realize that we need to appreciate all the things he sends our way... masakit man o masarap... malungkot man o masaya... gusto man natin o hindi... hay nakerrr, talaga nga namang ipapasa-Diyos ko na lang lahat 'to... panahon naman ng kwaresma eh... panahon ng pagsasakripisyo, pag-iintindi at pagtanggap nang buong-loob... haaaay hirap.... DYASKE!!!


PS.1 Ate Pam, hay nakerrrr... marami ba tayong kailangan kay Mr. General Services? GOOO gamitin!!!! hahahaha!!! time to get close ulit!!ÜÜÜ Project Together Again na ituw! hahaha!!!Ü

PS.2 Fr. Chris, hay nakerrr din... di nakakatawa yun kaya wag kang tumawa! boooseeetttt!!!! hahahaha!!!! kape ka ulit sa bahay bukas... kapamilya ka naman eh! hehehehe!!!Ü

Friday, March 11, 2005

Semana Santa

Semana Santa na naman... ang bilis naman... sakripisyo na naman... sabagay, sa araw-araw na ginawa ng Diyos di naman nawawala ang pagsasakripisyo... minsan nagsasakripisyo pa ako para sa ibang tao... haaaay....

just read this na nga lang... i got it from Topher's blog... haaaaayyyy....

Ngayong gabi madilim dito
Walang ilaw brownout sa aking mundo
Sa init naiinip, sa dilim nangangapa
Naalala tuloy kita, kandila lang ang kasama
kandila lang, kamusta ka na kaya?
Kung kailan pa nawalan ng ilaw tsaka pa lang naging malinaw
Baka ako ang may kasalanan kung bakit tayo ay may tampuhan
Di na pwedeng pag-usapan
sorry di kita hinabol, sori tayo'y malabo
Maya-maya lang ay may ilaw na pero sana ay malaman mo
Magka-ilaw man madilim pa rin...
Magka-ilaw man madilim pa rin KUNG WALA KA.....

syete!!! kamartiran na naman ituuuw!!!! hay naku... sa pagluluksa ngayong semana santa pati ba naman ako hindi spared?!?!?!!? syete talaga...

wala bang magsasabi sa kanya na hanggang ngayon iniisip ko pa rin sya... wala bang magsasabi sa kanya na hanggang ngayon wish ko lang mag-reply sya... wala bang magsasabi sa kanya na hanggang ngayon wish ko bumalik sya... hindi ko naman sya itinaboy eh... baka nga lang talagang ayaw nya... haaaayyyy hirap... tsk tsk tsk... madalas pa kami magkita at magkasalubong... anobayon?? kasi naman eh... ang aga mong nagtanong...

oh well... masasabi ko lang... POTAHNA!!! hahaha!!!Ü

Wednesday, March 09, 2005

The Best Of The Best(friends)

**fanfare needed**


Kami ni Espren ko madalas mag-away... keber! madalas din naman kami magbati... malamang! at madalas din kami tumawa! at madalas din kami gumawa ng kalokohan... tulad nito...

Mega-emote ako dito ah! Hirap gumaya ng pose ng iba!

Image hosted by Photobucket.com


actually hindi ko rin alam kung ano ang dapat na feelings na naico-convey nyan... basta ginaya ko at yan ang lumabas... CHAKA!!!! hahahaha!!!!

As I said, ginaya ko lang yan... ETO ANG ORIG! walang tatalo dito! wala talagang kakupas-kupas to!

Image hosted by Photobucket.com

o di ba?!?! emote na emote ang lolo mo! para syang isang malaking T... isang malaking TAO!!! hahaha!!!

Sabi ni Jonah wala na daw syang mukhang ihaharap sa mga taga-Xavier kapag pinost ko 'to... hahahaha!!! baka daw pag naglalakad sya sa Galleria at makita ninyo, maisip nyo daw na di ba sya yung nasa blog ni Reich? hahahaha!!! paranoid na si Lolo ko!!!


ayan ang kagaguhan na dinudulot ng maraming trabaho... kaya paging lola jondis, kung ako sa yo mag-pictorial ka na lang ng ganito... IKATUTUWA ko pa yon! wekekekeke!!!!!ÜÜÜ

Tuesday, March 08, 2005

StarTrucks at StarCirclePwes

DC had a pictorial last Sunday... kahit na walang professional photographer at tripod at battery and charger for the cam at nagkawindang-windang ang lahat sa mga kung anu-anong kamalasan... eto tingnan nyo... feeling artista ang mga lolo't lola!!!

syempre, kabaklaan ni Baldo ang lahat ng posing at scenery namin dito... wekekeke!!!! hahaha!!!!


Taken outside the Adoration Chapel... nakita nyo ba kung sino ang nag-switch as photographers?Ü nasa isang picture tapos sa susunod nawala? esep-esep!!!ÜÜÜ

Image hosted by Photobucket.com

Image hosted by Photobucket.com
Si Kuya Ian and Jonas!!!Ü look again...


Sa may pond, still in the Garden of Paradise of the Church...
Image hosted by Photobucket.com
tingnan nyo ang lola nyo, sideview pa kuno ang effect!Ü hahaha! lumalabas ang pagkalandicha talaga!Ü


Taken naman at Mary's Fountain (uhmmm, while other people were looking on... hahaha!!!)
Image hosted by Photobucket.com


Sa ground in front of Mary's Garden and the ossuaries...
Image hosted by Photobucket.com
pang-Himlayan ang dating!!! buti walang mumu... wekekeke....


PS. Thanks to Kuya Achie for lending the Parish's digicam to us... lifesaver ka talaga, Kuya!!!Ü

PS.2 Thanks to Kuya Ian and Jonas for being photographers even if it means there would be some shots na hindi kayo makakasama... Salamat sa sakripisyo... Ü

PS.3 Congratulations to Jonas for coming on time... buti naman...Ü

Monday, March 07, 2005

Speaking of Age

age doesn't really matter.... or does it?

ako, i think, may situations na age doesn't really matter but there are other times na age DEFINITELY does matter...

people can act or be goofy like they are 10 oh, heck even 20 years younger... but NAMAN! when it comes to sense and sensibility, level of maturity, sense of thinking and reasoning ACT LIKE YOUR AGE... it just sooooo dismal for me kapag mas mature pa ako sa mga taong mas matanda kaysa sa kin... tsk, tsk, tsk...

may niratrat kasi akong tao about this, sana lang na-absorb nya yung mga ipinamukha ko sa kanya (yup, ipinamukha, as in ganon katindi...)... it's for his own good anyway...

wag i-deny ang age... kasi mare at pare, if you're this age, you REALLY ARE this age... kaya no sense na hindi ka umasal ng ganon edad...

speaking of ages, i got this survey from friendster and i answered it Feb 1 pa... pero now's the right time to share my results...

FYI: I am 24 years old. Lapit na to turn 25 this June.



You Are 26 Years Old

26

Under 12: You are a kid at heart. You still have an optimistic life view - and you look at the world with awe.

13-19: You are a teenager at heart. You question authority and are still trying to find your place in this world.


20-29: You are a twentysomething at heart. You feel excited about what's to come... love, work, and new experiences.

30-39: You are a thirtysomething at heart. You've had a taste of success and true love, but you want more!

40+: You are a mature adult. You've been through most of the ups and downs of life already. Now you get to sit back and relax.





It doesn't bother me that i act older than my age... buti nga yon eh, it just proves that i have higher maturity and sensibility levels than people my age...
PS. sa person na naratrat ko: sana i made you think. sana i made you evaluate. sorry if i hurt you but hindi ka kasi magigising kung hindi kita gaganunin. hindi ka naman kasi nakukuha sa birong may laman. someday you'll learn to appreciate my gesture... sana... and... i love you, friend...

Friday, March 04, 2005

Majonda

Let me start with this... THIS MAJONDA IS MAJORLY UNBELIEVABLE!!!!

hay naku... i thought this majonda changed already pero wag kayo! hindi pala... pailalim lang ngayon tumira... derecho na sa boss kumbaga... wala ng pasaring or parinig, derecho na agad sa Mt. Olympus... hay nakerrrr....

eto tingnan nyo ha kung tama at nasa WASTONG pag-iisip ang majondang itich:

1. pag lumalapit daw sya, may sinasara or mini-minimize ako sa computer ko... implying that when she comes near me, may hindi work-related sideline akong ginagawa kaya sa pagkataranta ko dahil palapit na si panget na majonda, at sa takot kong mabisto kuno ako, i close or minimize that illegal work in my computer...

comment/s ko:
a. sya lang ang nakakapansin nun (hindi kaya paranoid ang tawag sa taong ganun? watchuthink huh?!?!?)
b. sya lang ang affected sa ganun (mukhang binabagabag at hindi sya pinapatulog ng konsensya nya ah... manang, karmi ang tawag dun!))
c. wa-pakers naman dapat sya sa gawain ko dahil i deliver... at hindi ko rin sya binubulabog (hindi ko na nga tinuloy yung plano kong ipakulam sya noh! wekekeke!!!)

recommendation/s ko:
a. have your mind analyzed, pwede?
b. just mind your own business and scratch your own galis

2. marami daw akong errors this year... sa paggawa ng mga reports and ng ibang documents na gine-generate ko... somewhat implying na inefficient ako and also minsang lumilipad ang utak at hindi nakaka-concentrate sa trabaho for whatever reason...

comment/s ko:
a. uhmmm... gusto ko lang ipaalam sa yo na i make a DAILY percentage of error ng output ko... so i DEFINITELY know na i have committed lesser errors this year...
b. ipapaalam ko din sa yo na kaya ako nag-percentage of error chuva na ito ay dahil sa yo... pinakakaduldulan mo kasi dati sa akin yung mga mali ko... at 'day! talagang nagpanting ako sa yo kaya mega gawa ako nito ngayon...
c. uhmmm at tsaka po, tao lang ako -- MINSANG nagkakamali... hindi lukaret na PARATING nagkakamali... ikaw? alin ka sa dalawa?

recommendation/s ko:
a. uhmmm, magpa-psych test ka nga sabi eh... baka naman may selective memory ka... at yung mga errors ko pa nung UNANG taon ko yung natatandaan mo... ay, manang, kung yung ang natatandaan mo, tama ka nga! mejo marami-rami yung errors ko no'n... but now, i should know better kasi magta-tatlong taon na ako eh... ikaw? do you know better na ba?
b. sabi din sa mga cliche sayings natin: lola, tingnan mo muna ang pes mo sa salamin at baka marami kang kadungisan bago ka mamuna at magtawa sa muta ng iba... baka kailangan mo ng full-length mirror, meron ako sa bahay dalawa pa... i'd gladly lend them to you...
c. baka pwede naman ngayong mga panahon na 'to AKO naman ang magduldol sa yo ng daily percentage of error ko para matau-tauhan ka rin....

3. marami daw akong sinasayang na bond paper, glue at scotch tape, implying hindi ako marunong mag-maximize and mag-utilize ng resources...

comment/s ko:
a. hindi pagsasayang yun, tawag dun maraming trinatrabaho kaya maraming kailangan papel... maraming dinidikit na doc stamps kaya kailangan ng glue... at maraming confidential letter na isini-seal kaya maraming scotch tape na kailangan... tawag dun paggamit ng tama sa resources at hindi pagwawaldas ng office supplies... claro?!?!?!? ha, claro na ba? isama kita kay claro m. recto eh...
b. marunong na rin po akong gumamit ng scratch... dahil kahit ang direktor mismo, gumagamit ng scratch... at pag may scratch tayo nai-she-share pa natin sa ibang opisina... pero it does not mean na dapat magpakarami tayo ng scratch para maraming mai-share sa kanila... LOKA-LOKA lang ang mag-iisip nun... ako hindi loka-loka, ewan ko sa yo...
c. ako din po ang taga-request ng supplies natin at kayo ang taga-record ng mga nire-request for us... at ALAM MO na mas konti ang ginamit nating supplies this year kaysa mga nakaraang taon... common sense naman, manang, kahit konti lang...

recommendation/s ko:
a. wag na lang kaya ikaw ang taga-record ng request... mukhang hindi ka marunong gumawa ng analysis eh...
b. pansinin mo ako kapag wala akong ginagamit na kung ano sa supplies natin dahil ibig sabihin hindi ako nagtratrabaho...
c. mejo bawasan mo nga ang pagpupuntirya sa akin baka later on di ako makapagpigil sa yo... (wekekeke! tapang!Ü)

hay nakerrrr, pwede ba... minsan may tililing ako pero excuuuuse me! hindi ako nutcase noh!!!!

OO GALIT AKO kaya ko nasasabi ang lahat ng ito... malamang naman di ba, kapag may kasama kang ganito eh magpapanting at magagalit ka rin??!?!?! unless na lang siguro kung majonda kang tulad nya...

tamaan ka sana ng kidlat!! bwiset!!!!

wekekeke...ÜÜÜ wag naman, bawas P50 yan sa sweldo 'pag nagkataon... not worth it...

Thursday, March 03, 2005

Ang CHIKKA Chenes Lang Pala

This is an email sent to me by Miyer... thanks for the info, friend... now i know better... hope you readers take heed din... siguro kapag in DIRE need na lang para rin hindi abala sa iba...

Please do avoid using Chikka from now on when texting people's cellfones... With or without any reply from the recipient, the recipient of the text message coming from Chikka is AUTOMATICALLY CHARGED 2.50 pesos...

Here's an excerpt from an article from the web: Chikka.com is popular among mobile phone subscribers who have access to personal computers. With a chikka.com software downloaded on a PC, a mobile phone subscriber can send short message services (SMS) messages for free instead of paying P1.00 per message using a mobile phone.

From the complaints NTC has been receiving, chikka.com users do not pay when they send messages from their PCs. Recipients, however, are allegedly automatically charged P2.50 per message received in their mobile phone from chikka.com.

Read the full story here: http://itmatters.com.ph/news/news_02142005a.html

Better share this too with your family and friends. It doesn't hurt to know. Thanks!Ü

Tuesday, March 01, 2005

Nametags, Anyone?

tawa muna ako... hahahaha!!!

Last Sunday, after magpakapuyat sa Alumnae Homecoming, I went to school for the annual XACCOOP General Assembly... at dahil hindi na namin matarok yung mga pinag-uusapan, di na kame nakikinig... hahaha!!! at may kung anong katarantaduhang ginawa... truly, an idle mind is the devil's workshop... wekekeke!!!

Si Mark, si Mark, si Mark na walang malay ang pinagtripan namin... dinikitan namin sya ng mga nametags sa likod... hahaha!!! without him knowing and noticing... bwakaka!!! kunyari mega ina-admire namin ang kanyang muscle-muscle kaya kami mega pindot and lapirot ng kanyang back, neck and biceps... di nya alam idinidiin lang namin ang pagkakadikit ng mga nametags... dahil paniwala ang lolo mo sa pagkukunyari namin, mega-tawa ang pakiliti-effect lang sya... the funnier thing pa was nakisali din sa pindutan and lapirutan si Miss Pasiliao... pasaway!!! hahaha!!!ÜÜÜ

eto ibidinsya...



at dahil wala ngang kamuwang-muwang si lolo, nakuha pang sumama sa picture na to... hahaha!!!


syempre, tinanggal na rin namin yung nametags after a while... baka tumayo bigla ang lolo mo at makita ng madlang people ang nametags noh! hahaha!!!

Thanks for being such a good sport, Marky!!! Next time hangers naman gagamitin namin!!!ÜÜÜ

Stand, Stand For The SHS, For Truth In Love

naks... kanta tayong mga taga Holy... Oh, alma mater, kind and dear... ready, sing! CHOS!ÜÜÜ

School of the Holy Spirit, Quezon City had a Grand Alumnae Homecoming last Saturday, February 26... and syemps i was there!!! i wouldn't miss it for the world... naks... kasi i missed enough already... dahil lahat nung iba nakatulugan ko... wekekeke!!!Ü

grabeh... no exag or anything, it REALLY was good to be back... galing! aliw! pati yung mga dating teachers ko and dating mga madreng nandun natatandaan pa ako!!!! woohooo!!! or baka kasi may nametag lang ako and may batch din na naka-indicate dun... NYAK!!! hahaha!!! basta... grabeh, overwhelming sobra...

SA MGA TAGA-HOLY: alam nyo bang nandun si Miss Orduña, Miss Barleta, Miss Atienza, Miss Alberto, Mrs. Gutierrez (yes, Miss Gucci in the flesh!), Mrs. Marcelo (yup, the masungit na registrar), Miss Achacoso, Sr. Ewalda, Sr. IA (Isabel Angela), Sr. FG (Frances Grace), Miss Castillo, Miss Osila, Mrs. Acacio, Mrs. Sulit, Miss Cruz, Miss Casimiro, Mrs. Bernardino, Miss Canivel, Mrs. Pineda, and Miss Orendain?!?!?!?! grabeh! nakakatuwa... i know, i know, dating hindi nakakatuwa yon, pero ngayon -- PRAMIS! ang sarap ng feeling na kabeso-beso and kahuggie-huggie mo na sila... at kahit anong kulay ng hair mo, kahit anong suot mo at kahit na isang toneladang makeup pa ang gamit mo, alam mong di ka na nila mapapagalitan!!!! hahaha!!!

HINDI LANG YAN... si MANANG GUARD and sila MANANG sa canteen buhay pa din... AT -- ading pa din ang tawag sa 'kin... hahahaha!!! grabeh!!!

sobrang tuwa ko, keber na kung LIMA (yup, 1, 2, 3, 4... FIVE) lang kame from batch '97... hahaha!!! The only '97ers present were Chinka Besinga, Patty Porto, Jed Quiambao, Jo Angela Santos and ako... sayang, mas masaya sana kung mas marami!!

oh well, di ko na ma-contain saya ko kaya here are the pics... henjoy tikoy...


My dear batchmates: (TOP) Chinka, Jo and Jed (BOTTOM) Patty and Me


Sobrang tuwa ko na makita sila... mega-picture ever... keber kung magkapalit na kami ng mukha sa sobrang dikit... hahaha!!! (again to view, L to R, T to B)
1. Me and Miss Osila (ang terror Noli & Fili teacher, dakilang Dramatics Moderator hanggang ngayon... at magpasawalang hanggan...)
2. Me and Miss Orendain (super pretty pa rin, walang kupas!!! nga pala she was just wed 2 weeks ago and she's migrating na to Canada... sad...)
3. Miss Cruz and Me (principal na sya... whoa, big time! naalala ko tuloy yung di ko na-submit na term paper on James Dean... hehehe...)
4. Me and Miss Casimiro (young-looking pa rin... kakaturo siguro ng calisthenics sa PE to... hehehe...)
5. Manang Guard and Me (sya yung sinasabi ko!!! tatag di ba!!!)
6. Patty, Miss Canivel, Me, Mrs. Pineda and Chinka ('Chers, parang kakakita pa lang natin sa Burgoo sa Podium ah... hehehe...)


hinakot ko yung mga teachers ko sa picture-taking... hehehe... di ko nga alam na-extra pala si Ala...
(TOP) New Teacher (back), Mrs. Acacio, Miss Orendain, Ala Paredes, Mrs. Pineda and Miss Alberto
(BOTTOM) Mrs. Bernardino, New Teacher, Miss Haducana, Me, Mrs. Sulit (Tita sya ni Lance Magpoc!!) and Miss Osila


SOOOO GOOD TO BE BACK!ÜÜÜ
GRABEH!!! HIGH SCHOOL DAYS ARE THE BEST TALAGA!!!ÜÜÜ

Mga Kalahing Cuties

aba syempre!!! cuteness runs in the blood... wekekeke.... kaya eto ang dalawa kong cutie-cute-cute na pamangkin -- Ice and Joty...



this was taken nung mga panahong ni-ransack nila ang kwarto ko some time ago... boooset na mga bata! nyehehehe!!ÜÜÜ